Isang bata ayaw umalis sa lugar kung saan sila laging pumupunta ng kanyang mga magulang, umaasa pa rin ito na makikita pa rin niya ang mga ito!


Karamihan sa tao o mga magulang sa panahon ngayon ay busy sa trabaho para mabuhay ang kanilang mga anak para mapakain ito ng maayos at mapagtapos ng pag aaral. Kadalasan ang tatay lang o ang nanay lang ang nagtatrabaho sa isang pamilya, pero may ilang pamilya na nagsasakripisyo at iniiwan sa mga magulang nila ang mga anak para parehas silang makapagtrabaho para kumita ng mas malaking halaga ng sabay, pero ang nakakalungkot sa ganitong senaryo ay hindi nila nabibigyan ng sapat na oras ang kanilang mga anak, dahil kung uuwi man sila ng bahay ay magpapahinga nalamang sila at pag gising sa umaga ay papasok na sila sa trabaho. รงรง
Mapapaisip nalang tayo sa dulo na hindi rin pala tama na mawalan ng oras sa mga anak, tama na para sa kanila na nagtatrabaho tayo ng maayos para kumita ng sapat para sa kanila, pero sa isip ng bata ay tumatatak ang lungkot at pakiramdam nila ay mag-isa nalang sila.
Isang bata sa Banchok sa Malaysia ang may ganitong karanasan ang pangalan niya ay Arfan sa hindi inaasahang pangyayari ang mga magulang nito ay nasawi dahil sa aksidente sa motorsiklo, sa murang isipan ng bata hindi niya maintindihan kung bakit ayaw gumising ng kanyang mga magulang, bakit ito sa kahon natutulog? Hirap ang bata na unawain ang nangyayari. Noong araw ng libing ay nagtataka ang bata kung bakit umiiyak ang kanyang mga kamag-anak kung bakit humahagulgol sila sa pag-iyak ang alam lang naman ng bata ay natutulog ang mga ito at sa hindi inaasahang pangyayari, laking gulat ng bata kung bakit tinatabunan ng lupa ang kahon kung saan natutulog ang kanyang ama at isinunod naman ang kanyang ina.
This evening bring to abi and mother’s grave, love it as if i want to talk to mom. When you say mom here she also duk bu bu bu like calling. Don’t want to go home, like to play sand there, don’t even play sand at home. Allahu clearly saw him missing, he didn’t even want to go home. Later we will be mai again yee Aran. #MuhammadArfanZiqri -Azuan Shamsuddin
Ayon sa pahayag ng Buzzooks ang mga nakipag libing at kumakalinga sa bata ay awang awa dito dahil hindi nila maipaliwanag ng lubos ang tunay na nangyari sa mga magulang nito.
Dahil dito madalas na pumupunta ang bata sa puntod ng kanyang mga magulang at hinihintay ang pagbalik ng mga ito.
Kine-kwento pa  tiyuhin nito na madala raw tinatawag ng bata ang kanyang ina habang naglalaro ito sa tabi ng puntod. Sa murang edad ay naulila na si Azuan Shamsuddin kaya malaking responsibilidad din para sa mga nagaalaga dito na ipaintindi ang nangyari at gabayan ito hanggang sa ito ay lumaki ng mabuti hanggang sa maintindihan niya lahat. Kaya ang sinabi nalamang nila sa bata ay ang kaniyang mga magulang ay nabubuhay sa ilalim ng lupa kahit labag ito sa damdamin nila.