Isang bangkay ibinurol sa Bulacan, Positibo pala ito sa COVID-19

Takot at pag aalala ang nararamdaman ng mga mamamayan sa Norzagaray, Bulacan dahil may isang tao doon na pumanay ngunit na kumpirma na positibo ito sa Corona Virus, pinaglamayan ito ng isang gabi marami rin ang nakiramay di umano sa patay.
Daing pa ng mga mamamayan na dapat daw ay gumawa na ng imbistigasyon ang Provincial health office ng Norzagaray, Bulacan upang matukoy ang mga nakasalamuha ng namatay na isa palang Doktor at ang mga nakasalamuha din ng anak nito na isa palang kagawad na active tumulong sa mgakababayan nito, tumulong din ang kagawad sa pagbibigay ng relief sa mga kababayan nito kaya naman laking pangamba ng mga mamamayan kung sino sino ang nakasalamuha ng kagawad sa kanilang lugar.
Isa pa sa violation ng pamilya ay ang ipinatutupad na Social Distancing dahil nagsagawa sila ng isang gabing lamay sa kanilang lugar at nagpamisa pa sa simbahan. Nagulat ang mga nakiramay noong gabing pati narin ang pamilya ng nasawing si Dr. Marianito galicia na nagpositibo sa COVID-19.

Nagdulot ng matinding pangamba sa mga residente sa Barangay Poblacion kung saan nakatira ang doktor at doon din ginanap ang lamay nito, maraming tao ang nakiramay sa namatay dahil isa itong kilalang Doktor at kilala rin ang pamilya nito sa kanilang bayan.

Sinabi ng pamilya nito na noong Abril 10, 2020 dadalhin na raw dapat sa Hospital ng Bulacan Medical Mission Group ang Doktor ngunit hindi pa ito dumarating sa Hospital ay binawian na ito ng buhay.

news source: Abante