Dalawang ulit nang ‘di natuloy ang kasalan ng magkasintahang ito, kaya nagpa-kasal sila Online

Pag pasok pa lamang ng taon ay iba't-ibang sakuna na ang tumama sa ating Bansa, ang ilan nga sinabi pa na parang hindi raw maganda ang pasok ng taon dahil sa sunod-sunod na hindi magandang kaganapan, marami ang mga okasyon ang hindi natuloy, maraming birthday, kasalan mga bakasyon at iba't-ibang kaganapan sa ating buhay lalo na ngayong summer at bakasyon pa, karamihan dapat sa atin ay nasa beach na nag sasaya, nag ta-travel kung saan saan para mawala ang pagod sa mga stress ng nakararaang taon.
Kung hindi kaya Nagkaroon ng COVID-19 ano kaya ang ginagawa natin ngayon? Nasaan ka kaya ngayon? Kamusta kaya ang bansa? Pero ang magkasintahang sina Chari at Marvin na matagal nang pinlano ang pagpapakasal napagpasyahan nilang ganapin ang kasal nila pagpasok ng taon (2020) para nga naman bagong simula ng chapter ng kanilang buhay pero sa halip na matamis at masayang simula ay napalitan ng stress at pagiisip sa kanilang dalawa.
Ang kasal ng magkasintahan ay nakaplano na March 22, 2020 para sumpaan ang kanilang pagmamahalan sa Antonio's Tagaytay ngunit hindi lingid sa kaalaman ng marami na nagkaroon ng Taal Volcano Eruption bago pa lamang ang buwan kaya napag desisyunan ng magkasintahan na palitan na lamang ang venue sa San Agustin Church at sa Shangri-la Fort para maging ligtas at matuloy ang kanilang kasal.
Dalawang linggo bago ang kanilang kasalan idineklara silang dalawa na PUIs - Person Under Investigations dahil alam ng dalawa na mas mahalaga ang safety at ang kanilang kalusugan nag desisyon ang dalawa na huwag nalang ulit ituloy ang kasalan, kinabahan din ang dalawa sa posibilidan na baka COVID-19 positive sila kaya naman sumailalim ang dalawa sa quarantine procedure at hinintay na matapos ito, Pero dahil sa pagmamahal sa kanila ng Panginoon negative naman ang dalawa safe sia at healthy pahayag ni Chari.
Dahil hindi nanaman natuloy ang pangalawang kasal nila at gustong-gusto na nilang makasal nag plano sia na gawin nalang Civil Wedding ang kanilang kasalan pero dahil sa Enhanced Community Quarantine na ipinapatupad walang ibang tao na pwedeng tumulong sa kanila para maikasal. Nawawalan na ng pag-asa ang dalawa, pero bago ang nakatakdang kasal sana nila na hindi tuloy sinabi ni Fr. Serg na pari sa St. John Eudes House of Formation na pwede raw nitong ibigay ang basbas niya sa dalawa para sa kanilang kasal. Sinabi nito na hindi man personal na maibigay ang basbas ng kasalan pero ang ispirito santo at ang biyaya nito ay mabibigay sa kanilang dalawa. Kaya nagpasya ang dalawa na magpakasal online at ang pamilya ng dalawa ang kanilang mga bisita.

Narito ang actual na video ng magkasintahan na nagpakasal online! Kung ikaw ba papayag ka bang ikasal online? Comment mo sa ibaba.